02 July 2011

Juan, Pedro, at Noynoy

Isang araw, habang kumakain ang magkakaibigang Juan, Pedro, at Kulas sa pinakataas ng 50 palapag na gusali.

JUAN: Anak ng! Tinapa na naman? Kakasawa na. Kapag tinapa pa rin ang ulam ko bukas, magpapakamatay na talaga ako.
PEDRO: Put--! Pritong itlog na naman! Kakasawa na ang ulam na ito. Kapag pritong itlog pa rin ang ulam ko bukas, tatalon na ako sa gusaling ito.
KULAS: Lagi na lang ham! Kapag bukas ham pa rin ang ulam ko, magpapakamatay na din ako!

Kinabukasan...

JUAN: Tinapa na naman? (Tumalon sa gusali. Patay.)
PEDRO: Pritong itlog?  (Tumalon sa gusali. Patay.)
KULAS: Ham na naman?!  (Tumalon sa gusali. Patay.)

Habang kinakausap ng mga reporters ang mga asawa ng mga nasawi, tinanong nila kung nagbabala ba ang mga ito.

Asawa ni JUAN: (Umiiyak.) Wala man lang po siyang sinabi na ayaw niya ng tinapa. Kung sinabi niya na nagsasawa na siya, e di sana iba na lang ang hinanda ko sa kanya.
Asawa ni PEDRO: (Umiiyak.) Wala din po siyang sinasabi na ayaw niya ng pritong itlog. Kung sinabi niya na nagsasawa na siya, e di sana iba na lang ang hinanda ko sa kanya.
Asawa ni KULAS: (Umiiyak.) E hindi ko po alam kung bakit siya nagpakamatay, siya naman ang naghahanda ng baon niya sa tanghalian.

---

Quote from a TOTALLY UNRELATED  news (http://www.manilatimes.net/news/topstories/3-in-cabinet-aquino%E2%80%99s-curse/):

"Sa totoo lang ho, mayroon kasing mga miyembro ng Gabinete—mga dalawa o tatlo—kada makita ko, agad iniisip ko, 'Ano kaya ang bad news ang dala-dala nito?' ... Iyong iba ho, ipinipilit ko na lang po na harapin, dahil talagang, kako itong taong ito, talagang penitensya ko na yata sa mundong ito, kaya ok na lang."

- President Noynoy Aquino

2 comments:

sheng said...

Prito na naman? Baboy na naman, nakakasawa na, pero hindi ako magpapakamatay dahil diyan. LOL

Anonymous said...

Natawa ako dun amp! hahaha